1. [Ano ang Sakramento ng Kumpisal?] Ang sakramento ng Kumpisal ay ang paghingi ng kapatawaran sa ating mga nagawang kasalanan sa Diyos at pagbabalik loob sa Simbahan. Sapagkat sa pamamagitan ng ating pagkakasala tayo ay nahihiwalay sa grasya ng Diyos. [CCC 1422] Ating ikinukumpisal sa pari ang ating mga nagawang mortal na kasalanan. Sapagkat may dalawang uri ng kasalanan, ang kasalanang ‘di humahantong sa kamatayan at ang kasalanang humahantong sa kamatayan [1 Juan 5:16] . Ang kasalanang ‘di humahantong sa kamatayan ay hindi na nangangailangan ng kumpisal tanging ang kasalanang humahantong sa kamatayan. 2. [Diyos nga lang ba ang nakakapagpatawad ng kasalanan?] Totoong Diyos ang nagpapatawad ng ating mga kasalanan. Subalit binigyan ni Kristo ang kanyang mga alagad ng “authority” na magpatawad ng kasalanan : “And with that he breathed on them and said, “Receive the Holy Spirit. If you forgive anyone’s sins, their sins are forgiven ; if you do not forgive them, th...
Ating Alamin website aims to propagate the truth and beauty of the Catholic Faith.