Skip to main content

BAKIT MAY KUMPISAL ANG MGA KATOLIKO? | Ating Alamin



1. [Ano ang Sakramento ng Kumpisal?]
Ang sakramento ng Kumpisal ay ang paghingi ng kapatawaran sa ating mga nagawang kasalanan sa Diyos at pagbabalik loob sa Simbahan. Sapagkat sa pamamagitan ng ating pagkakasala tayo ay nahihiwalay sa grasya ng Diyos. [CCC 1422] Ating ikinukumpisal sa pari ang ating mga nagawang mortal na kasalanan. Sapagkat may dalawang uri ng kasalanan, ang kasalanang ‘di humahantong sa kamatayan at ang kasalanang humahantong sa kamatayan [1 Juan 5:16]. Ang kasalanang ‘di humahantong sa kamatayan ay hindi na nangangailangan ng kumpisal tanging ang kasalanang humahantong sa kamatayan.

2. [Diyos nga lang ba ang nakakapagpatawad ng kasalanan?]
Totoong Diyos ang nagpapatawad ng ating mga kasalanan. Subalit binigyan ni Kristo ang kanyang mga alagad ng “authority” na magpatawad ng kasalanan:

“And with that he breathed on them and said, “Receive the Holy Spirit. If you forgive anyone’s sins, their sins are forgiven; if you do not forgive them, they are not forgiven." [John 20:22-23]
“All this is from God, who reconciled us to himself through Christ and gave us the ministry of reconciliation.” [2 Corinthians 5:18]

Dito isinugo ng Diyos ang kanyang mga apostol upang makapagpatawad ng kasalanan. Ipinasa naman ng mga apostol ang “authority” na ito sa kanilang mga “successors” ang mga Obispo at mga pari.

Kaya kapag tayo ay nangungumpisal sa pari, hindi sinasabi ng mga pari na pinapatawad tayo sa pamamagitan ng pangalan ng paring iyon. Ang sinasabi nila ay “I absolve you from your sins in the name of the Father, and of the Son, + and of the Holy Spirit.”

Kailanman walang pari ang nagpapatawad ng kasalanan sa kanyang pangalan. Hindi naman nila sinasabing: "I absolve you from your sins in my name." Dahil ang kanilang tungkulin at kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan ay galing sa Diyos.

Kung kaya naman ang mga pari ay nagpapatawad “in the person of Christ.” Ito ay ating mababasa sa 2Corinto 2:10

“To whom ye forgive any thing, I forgive also: for if I forgave any thing, to whom I forgave it, for your sakes forgave I it in the person of Christ;” [2Corinthians 2:10 KJV].


3. [Inutos ba sa biblia na tayo ay mangumpisal?]
Tayo ay hinihikayat ni Apostol Santiago na ikumpisal ang ating mga nagawang pagkakasala sa “elders of the church” o ito ang katumbas ng Obispo o pari sa kasalukuyang panahon.

“Is anyone among you sick? Let them call the elders of the church to pray over them and anoint them with oil in the name of the Lord. And the prayer offered in faith will make the sick person well; the Lord will raise them up. If they have sinned, they will be forgiven. Therefore confess your sins to each other and pray for each other so that you may be healed. The prayer of a righteous person is powerful and effective." [James 5:14-16]



4. [Nangungumpisal na ba ang mga sinaunang Kristiyano noon pa man?]
Oo. At may ilang pahayag ang mga Early Church Fathers tungkol sa hiwaga ng Sakramento ng Kumpisal. Narito ang iilan:

• Didache 4:14; 14:1
As early as 70 AD
Confess your sins in church, and do not go up to your prayer with an evil conscience. This is the way of life…. On the Lord’s Day gather together, break bread, and give thanks, after confessing your transgressions so that your sacrifice may be pure.
(Ang Didache ay  aklat na naglalaman ng katuruan ng mga Apostol)

• St. Athanasius of Alexandria
295 – 373 AD
On the Gospel of Luke 19
Just as a man is enlightened by the Holy Spirit when he is baptized by a priest, so he who confesses his sins with a repentant heart obtains their remission from the priest.

• St. Ambrose
c. 333 – 397 AD
Penance 2:2:12
But what was impossible was made possible by God, who gave us so great a grace. It seemed likewise impossible for sins to be forgiven through penance; yet Christ granted even this to His Apostles, and by His Apostles it has been transmitted to the offices of priest.

Huwag tayong magdalawang isip na mangumpisal. Kung paanong kailangan natin ng gamot kapag nagkakasakit ang ating pisikal na katawan, kailangan din natin ng gamot kapag nagkakasakit ang ating kaluluwa at ito'y sa pamamagitan ng mga sakramento katulad ng sakramento ng kumpisal.







Comments

Popular posts from this blog

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 25, 2020

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 25, 2020 Huwebes sa ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (Mateo 7:21-29) Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay san Mateo: “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit.   Sa Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, hindi po ba't sa iyong pangalan ay nangaral kami, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala?’   Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan.’” “Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato.   Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo iyon sa bato.   Ang bawat nakikinig ng aking salita ngunit hindi naman nagsasagawa ng mga ito...

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 24, 2020

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 24, 2020 Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San Juan Bautista (Lucas 1:57-66, 80) Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas: Dumating ang oras ng panganganak ni Elizabeth at nagsilang siya ng isang sanggol na lalaki.   Nang mabalitaan ng kanyang mga kapitbahay at mga kamag-anak na siya'y labis na pinagpala ng Panginoon, nakigalak sila sa kanya. Makalipas ang isang linggo, dumalo sila sa pagtutuli ng sanggol. Zacarias sana ang itatawag nila sa bata, gaya ng pangalan ng kanyang ama,   ngunit sinabi ni Elizabeth, “Hindi! Juan ang ipapangalan sa kanya.” “Subalit wala naman kayong kamag-anak na may ganyang pangalan,” tugon nila.   Sinenyasan nila ang kanyang ama upang itanong kung ano ang ibig nitong itawag sa sanggol. Humingi si Zacarias ng masusulatan at ganito ang kanyang isinulat, “Juan ang pangalan niya.” Namangha ang lahat.   Noon din ay nakapagsalita si Zacarias, at siya'y nagpuri sa Diyos.   Natakot ang ...

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA (Ikalawang Bahagi)

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA (Ikalawang Bahagi) ~A guide~ ***pagtutuloy*** Narito ang unang bahagi ng pagkakasunod-sunod ng Banal na Misa:  https://cfdcavite.blogspot.com/2020/05/ang-pagkakasunod-sunod-ng-banal-na-misa.html 11. OFFERTORY/PREPARATION OF THE GIFTS - Dito ginagawa ang pangongolekta ng mga alay habang umaawit ng angkop na himno ang sambayanan. Kadalasan ding iniaalay ang alak at ang tinapay na gagamitin sa Banal na Pagdiriwang. Matapos na maihandog lahat ng alay ay aayuisin naman ang altar para sa pagdiriwang. 12. WASHING OF THE HANDS - Kasunod naman ay ang paghuhugas ng kamay ng pari habang sinasambit ng mahina ang ganitiong panalangin:  "Wash me, O Lord, from my iniquity and cleanse me from my sin." ;  bilang pagpapayahag ng kanyang nais na maging isang banal at dalisay habang naghahanda para sa pag-aalay ng Banal na Eukaristiya. 13. PRAYER OVER THE GIFTS - Dito naman sasambitin ng pari ang panalangin ukol sa mga alay upang...