Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Mary

BAKIT NAGING INA NG IGLESYA SI MARIA?

Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang kapistahan ni Maria bilang Ina ng Iglesya [Mater Ecclesiae]. Ngunit bakit ng ba naging Ina si Maria ng Iglesya o ng Simbahan? Makikita natin ang dalawang aspeto ng simbahan. As an institution of salvation. Church in means of salvation. Dito papasok ang mga doktrina, sakramento, ang Papa, mga Obispo, mga Pari, madre at iba pa. Mary is not the mother of the institution. But, Church is also community of the saved. Si Maria ay Ina ng mga mananampalataya. She is our spiritual Mother. Malinaw na itinuturo ng kasulatan na si Cristo ang ulo at ang iglesya ang katawan.  [Efeso 5:23] Ayon kay Pope Leo the Great, “The birthday of the head is also the birthday of the body.” Kasi, kailan ka nga naman nakakita ng ipinanganak na ulo lang? O kaya katawan lang na walang ulo? Kapag nanganak ang normal na babae, may ulo at may katawan. Ngayon, sino ang nanganak sa ulo [Kristo]? Si Maria. Samakatuwid siya [Maria] din ang ina ng katawan [Iglesya]. ...

BAKIT TINATAWAG NG MGA KATOLIKO SI MARIA NA 'INA NG DIYOS'? | Ating Alamin

Tuwing ika-1 ng Enero ay ating ipinagdiriwang ang dakilang kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos. Ano nga ba ang batayan ng Dogmang ito? 1. [Ano itong dogma ng ‘Theotokos’?] Ang Theotokos ay salitang Griyego na nangangahulugang ‘God-bearer.’ Isa itong doktrina ng Simbahang Katolika na pinagtibay at ginawang isang ganap na dogma noong 431 AD sa Council of Ephesus. Sa pagtitipon na ito ay binigyang kasagutan ang heresiyang ipinapakalat ni Nestorious na ‘di umano’y magkahiwalay ang dalawang kalikasan (nature) ni Kristo—Diyos at Tao. Kaya naman ang ipinanganak daw ni Maria ayon kay Nestorious ay ang kalikasang tao (human nature) ni Kristo at hindi ang kalikasang Diyos (Divine nature). Kaya’t hindi marapat na tawaging Theotokos si Maria at sinasabi ni Nestorious na si Maria ay ‘Christotokos’ (Christ-bearer.) Nilinaw sa Council of Ephesus na may isang persona lamang si Kristo subalit may dalawang kalikasang hindi pwedeng paghiwalayin. 2. [Ano ang batayan ng dogmang ito?...