Tuwing ika-1 ng Enero ay ating ipinagdiriwang ang dakilang kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos. Ano nga ba ang batayan ng Dogmang ito? 1. [Ano itong dogma ng ‘Theotokos’?] Ang Theotokos ay salitang Griyego na nangangahulugang ‘God-bearer.’ Isa itong doktrina ng Simbahang Katolika na pinagtibay at ginawang isang ganap na dogma noong 431 AD sa Council of Ephesus. Sa pagtitipon na ito ay binigyang kasagutan ang heresiyang ipinapakalat ni Nestorious na ‘di umano’y magkahiwalay ang dalawang kalikasan (nature) ni Kristo—Diyos at Tao. Kaya naman ang ipinanganak daw ni Maria ayon kay Nestorious ay ang kalikasang tao (human nature) ni Kristo at hindi ang kalikasang Diyos (Divine nature). Kaya’t hindi marapat na tawaging Theotokos si Maria at sinasabi ni Nestorious na si Maria ay ‘Christotokos’ (Christ-bearer.) Nilinaw sa Council of Ephesus na may isang persona lamang si Kristo subalit may dalawang kalikasang hindi pwedeng paghiwalayin. 2. [Ano ang batayan ng dogmang ito?...
Ating Alamin website aims to propagate the truth and beauty of the Catholic Faith.