Skip to main content

BAKIT TINATAWAG NG MGA KATOLIKO SI MARIA NA 'INA NG DIYOS'? | Ating Alamin



Image may contain: 2 people


Tuwing ika-1 ng Enero ay ating ipinagdiriwang ang dakilang kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos. Ano nga ba ang batayan ng Dogmang ito?
1. [Ano itong dogma ng ‘Theotokos’?]
Ang Theotokos ay salitang Griyego na nangangahulugang ‘God-bearer.’ Isa itong doktrina ng Simbahang Katolika na pinagtibay at ginawang isang ganap na dogma noong 431 AD sa Council of Ephesus. Sa pagtitipon na ito ay binigyang kasagutan ang heresiyang ipinapakalat ni Nestorious na ‘di umano’y magkahiwalay ang dalawang kalikasan (nature) ni Kristo—Diyos at Tao. Kaya naman ang ipinanganak daw ni Maria ayon kay Nestorious ay ang kalikasang tao (human nature) ni Kristo at hindi ang kalikasang Diyos (Divine nature). Kaya’t hindi marapat na tawaging Theotokos si Maria at sinasabi ni Nestorious na si Maria ay ‘Christotokos’ (Christ-bearer.) Nilinaw sa Council of Ephesus na may isang persona lamang si Kristo subalit may dalawang kalikasang hindi pwedeng paghiwalayin.


3 Things You Didn't Know about Mary (Mother of Jesus) in the Bible

2. [Ano ang batayan ng dogmang ito?]
Una, sa Juan 1:1 malinaw na binabanggit, “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.” At ang Verbo na Diyos ay naging tao ayon sa Juan 1:14. Maliwanag na si Kristo ang Verbo na Diyos. Siya ay isinilang ng Mahal na Birheng Maria:

“Ngunit nang sumapit ang tamang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak na isinilang ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan." (Galacia 4:4)

Mary and Jesus Wallpapers - Top Free Mary and Jesus Backgrounds ...

Simpleng lohika:
Si Jesus ay Diyos.
Si Maria ay ina ni Jesus.
Samkatuwid, si Maria ay Ina ng Diyos.
Ikalawa, sa pagbati ni Sta. Elisabet kay Maria na mababasa sa Lucas 1:43 nagwika si Elisabet:
“Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon?” (Lucas 1:43)


The Visitation: Mary Visits Elizabeth

Alam naman natin na si Elisabeth ay isang Hudyo, at isa sa batas ng mga Hudyo ay bawal nilang banggitin ang pangalan ng Diyos. Alamin mismo natin sa mga Hudyo kung bakit bawal dito sa link na ito:
Kaya imbis na sabihin ni Elisabet na, “Ina ng aking Diyos” sinabi na lamang niya ang kasingkahulugan nito na “Adonai” o Panginoon.
3. [Kung si Maria ay Ina ng Diyos ibig sabihin bang si Maria ay Diyos na rin?]
Hindi! Una sa lahat hindi ina ng Trinity si Maria, hindi siya Ina ng Diyos Ama o nang Diyos Espiritu Santo. Siya ay ina ng Diyos Anak. Sapagkat ang turo ng Santa Iglesya si Maria ay Ina ng Diyos Anak sa kanyang kalikasang tao. Ang kalikasang Diyos ni Kristo ay hindi ginawa. Sa pasimula pa lamang ay umiiral na ang Anak. Si Maria ay ina ni Kristo sa kanyang pagkatao. Binigyan ni Maria si Hesus ng laman, dugo at buto.
4. [Bago ang Council of Ephesus noong 431 AD, kinikilala na ba ng mga unang Kristiyano ang aral na ito?]
Oo. Noong 250 AD ay may panalangin na ang mga unang Kristiyano na pinamagatang “Sub Tuum Praesidium” sa Ingles ay mas kilala bilang ‘We Fly to Thy Patronage.’ Ganito ang nilalaman:
“WE fly to thy patronage, O holy Mother of God; despise not our petitions in our necessities, but deliver us always from all dangers, O glorious and blessed Virgin. Amen.”

Can We Honor Jesus Christ Through His Mother Mary? | Dave Armstrong
Santa Maria Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami’y mamatay. Amen!

Comments

Popular posts from this blog

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MISA (Unang Bahagi) — A guide— 1. ENTRANCE PROCESSION - Maglalakad patungong dambana ang pari at mga tagapaglingkod ng misa habang umaawit ng angkop na himno ang sambayanan. 2. GENUFLECTION AND VENERATION OF THE ALTAR - Luluhod ang mga tagapaglingkod ng misa at ang pari sa harap ng tabernakulo bilang pagbibigay galang kay Kristong naroon. Pagkatapos nito hahalik ang pari sa altar bilang pagbibigay galang sa lugar kung saan ginaganap ang Eukaristiya. 3. SIGN OF THE CROSS - Sisimulan ang Banal na Pagdiriwang sa pamamagitan ng pagtatanda ng Krus bilang pagbibigay galang sa ating Diyos na tatlong Persona sa iisang Diyos na siyang sentro ng pagdiriwang. 4. PENITENTIAL RITE - Sa parteng ito ng Banal na Misa aaminin natin ang ating mga pagkakasala. Dito rin napapatawad ang ating mga "venial sin." 5. GLORIA - Sa mga Linggo (at sa mga dakilang kapistahan), liban kung Kuwaresma at Adbiyento, ay inaawit natin ang Papuri sa Diyos. 6. OPENING PRAYER...

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA (Ikalawang Bahagi)

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA (Ikalawang Bahagi) ~A guide~ ***pagtutuloy*** Narito ang unang bahagi ng pagkakasunod-sunod ng Banal na Misa:  https://cfdcavite.blogspot.com/2020/05/ang-pagkakasunod-sunod-ng-banal-na-misa.html 11. OFFERTORY/PREPARATION OF THE GIFTS - Dito ginagawa ang pangongolekta ng mga alay habang umaawit ng angkop na himno ang sambayanan. Kadalasan ding iniaalay ang alak at ang tinapay na gagamitin sa Banal na Pagdiriwang. Matapos na maihandog lahat ng alay ay aayuisin naman ang altar para sa pagdiriwang. 12. WASHING OF THE HANDS - Kasunod naman ay ang paghuhugas ng kamay ng pari habang sinasambit ng mahina ang ganitiong panalangin:  "Wash me, O Lord, from my iniquity and cleanse me from my sin." ;  bilang pagpapayahag ng kanyang nais na maging isang banal at dalisay habang naghahanda para sa pag-aalay ng Banal na Eukaristiya. 13. PRAYER OVER THE GIFTS - Dito naman sasambitin ng pari ang panalangin ukol sa mga alay upang...

BAKIT HINDI NAG-AASAWA ANG MGA PARI? | Ating Alamin

Ang kaparian ng Simbahang Katolika ay hindi nag-aasawa. Bakit nga ba? Ating Alamin! 1. Bakit hindi nag-aasawa ang mga pari? Sapagkat ninais nila na maglingkod sa Diyos ng kanilang buong puso, buong pag-iisip at buong kaluluwa . Ayaw nilang mahati ang kanilang atensyon sa kanilang gawaing pastoral at sa tungkulin bilang may asawa. Ginusto nila na sa Diyos at sa sambayanan na lamang maglingkod bilang kanilang ama sa pananampalataya. Kung may asawa ang pari, halimbawa, may nangangailangan mangumpisal at pahiran ng Banal na Langis dahil malapit nang pumanaw, subalit kasabay nito kailangan namang isugod sa ospital ang asawa ng pari. Siya ang nag-iisang pari sa bario na iyon. Sino ang uunahin niya? Ang kanyang asawa ba o ang kanyang anak sa pananampalaya? Hindi ba't makokompromiso ang isa rito. Kaya naman ang mga pari ay walang asawa para makapagpokus sa pastoral na gawain ng isaandaang porsiyento. 2. Doktrina o dogma ba ang hindi pag-aasawa ng mga pari? Sapilitan din ba ito? Hin...