Skip to main content

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA



ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MISA (Unang Bahagi)
— A guide—

1. ENTRANCE PROCESSION
- Maglalakad patungong dambana ang pari at mga tagapaglingkod ng misa habang umaawit ng angkop na himno ang sambayanan.
Why does Mass begin with a procession?

2. GENUFLECTION AND VENERATION OF THE ALTAR
- Luluhod ang mga tagapaglingkod ng misa at ang pari sa harap ng tabernakulo bilang pagbibigay galang kay Kristong naroon. Pagkatapos nito hahalik ang pari sa altar bilang pagbibigay galang sa lugar kung saan ginaganap ang Eukaristiya.
Why Do Priests Kiss The Altar At Mass? | Priest, Catholic priest ...

3. SIGN OF THE CROSS
- Sisimulan ang Banal na Pagdiriwang sa pamamagitan ng pagtatanda ng Krus bilang pagbibigay galang sa ating Diyos na tatlong Persona sa iisang Diyos na siyang sentro ng pagdiriwang.
Spiritual Weapons: The Sign of the Cross | The Catholic Gentleman

4. PENITENTIAL RITE
- Sa parteng ito ng Banal na Misa aaminin natin ang ating mga pagkakasala. Dito rin napapatawad ang ating mga "venial sin."
New Liturgical Movement: Beat Your Own Breast

5. GLORIA
- Sa mga Linggo (at sa mga dakilang kapistahan), liban kung Kuwaresma at Adbiyento, ay inaawit natin ang Papuri sa Diyos.
Meath priest's rendition of Hallelujah at wedding becomes internet ...

6. OPENING PRAYER
- Sasambitin ang pambungad na panalangin na nakasentro sa ipinagdiriwang sa araw na iyon.
Liturgical Traditions: The Introductory Rites for Mass - Adoremus ...

7. READINGS
- Makikinig tayo sa mga pagbasa mula sa bibliya na halaw mula sa Luma at Bagong Tipan, Salmo at Ebanghelyo.
Student-Lector-Reading-Advent-Mass - Cathedral 7-12 High School Boston

8. HOMILY
- Atin namang pakikinggan ang mga pagninilay mula sa mga pagbasa. Atin ding maririnig ang mga pangaral ng pari upang tayo'y maging isang mabuting Kristiyano Katoliko.
Boring homilies putting you to sleep? Help is on the way

9. PROFESSION OF FAITH
- Dito ipinapahayag natin ang sentro ng ating pananampalataya, ang ating sinasampalatayanan bilang Kristiyano Katoliko.
St Andrew Q&A: First Mass of Thanksgiving!

10. PRAYERS OF THE FAITHFUL
- Pagkatapos nating ipahayag ang ating pananampalataya, bilang isang sambayanan ng Diyos tayo ay dadalangin para sa kahilingan ng simbahan, ng mundo, ng ating komunidad, at para sa ating sariling kahilingan at intensiyon.
Series on the Mass: Proclaiming the word of God — A lifetime of ...


—Artikulo ng Catholic Faith Defenders- Cavite Chapter—
*** abangan ang karugtong

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA (Ikalawang Bahagi)

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA (Ikalawang Bahagi) ~A guide~ ***pagtutuloy*** Narito ang unang bahagi ng pagkakasunod-sunod ng Banal na Misa:  https://cfdcavite.blogspot.com/2020/05/ang-pagkakasunod-sunod-ng-banal-na-misa.html 11. OFFERTORY/PREPARATION OF THE GIFTS - Dito ginagawa ang pangongolekta ng mga alay habang umaawit ng angkop na himno ang sambayanan. Kadalasan ding iniaalay ang alak at ang tinapay na gagamitin sa Banal na Pagdiriwang. Matapos na maihandog lahat ng alay ay aayuisin naman ang altar para sa pagdiriwang. 12. WASHING OF THE HANDS - Kasunod naman ay ang paghuhugas ng kamay ng pari habang sinasambit ng mahina ang ganitiong panalangin:  "Wash me, O Lord, from my iniquity and cleanse me from my sin." ;  bilang pagpapayahag ng kanyang nais na maging isang banal at dalisay habang naghahanda para sa pag-aalay ng Banal na Eukaristiya. 13. PRAYER OVER THE GIFTS - Dito naman sasambitin ng pari ang panalangin ukol sa mga alay upang...

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 25, 2020

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 25, 2020 Huwebes sa ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (Mateo 7:21-29) Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay san Mateo: “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit.   Sa Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, hindi po ba't sa iyong pangalan ay nangaral kami, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala?’   Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan.’” “Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato.   Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo iyon sa bato.   Ang bawat nakikinig ng aking salita ngunit hindi naman nagsasagawa ng mga ito...