Skip to main content

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA (Ikalawang Bahagi)




ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA (Ikalawang Bahagi)
~A guide~

***pagtutuloy***


Narito ang unang bahagi ng pagkakasunod-sunod ng Banal na Misa: https://cfdcavite.blogspot.com/2020/05/ang-pagkakasunod-sunod-ng-banal-na-misa.html

11. OFFERTORY/PREPARATION OF THE GIFTS
- Dito ginagawa ang pangongolekta ng mga alay habang umaawit ng angkop na himno ang sambayanan. Kadalasan ding iniaalay ang alak at ang tinapay na gagamitin sa Banal na Pagdiriwang. Matapos na maihandog lahat ng alay ay aayuisin naman ang altar para sa pagdiriwang.


12. WASHING OF THE HANDS
- Kasunod naman ay ang paghuhugas ng kamay ng pari habang sinasambit ng mahina ang ganitiong panalangin: "Wash me, O Lord, from my iniquity and cleanse me from my sin."; bilang pagpapayahag ng kanyang nais na maging isang banal at dalisay habang naghahanda para sa pag-aalay ng Banal na Eukaristiya.




13. PRAYER OVER THE GIFTS
- Dito naman sasambitin ng pari ang panalangin ukol sa mga alay upang maging banal at katanggap-tanggap sa paningin ng Diyos.


14. PREFACE
- Bago tumungo sa Eucharistic Prayer, ang pari, sa ngalan ng sambayanan ay nagbibigay pur sa Diyos at nagpapasalamat sa kaloob niyang kaligtasan Ang panalangin ay susundan ng pag-awit o pag-sambit ng Hosanna, Hosanna, Hosanna.

15. THE EUCHARISTIC PRAYER
- Marami ang nakapaloob sa panalangin na ito. Ang mga sumusunod:

  • Epiclesis: Dito hinihimok ang Espiritu Santo upang ang mga haing inialay ay maging Katawan at Dugo ni Kristo.


  • Institution Narrative and Consecration: Ang mga katagang winika ng ating Panginoong Hesu-Kristo noong Huling Hapunan at nang itatag niya ang Eukaristiya ay sinasambit ng pari. Dito nagaganap ang tinatawag na "transubstantiation" o ang tinapay at alak ay nagiging totoong katawan at dugo ni Kristo. 


  • Memorial Acclamation: Hihimukin ng pari ang sambayanan na ipahayag ang misteryo ng pananampalataya sa pamamagitan ng pagsambit ng: "Aming ipinahahayag na namatay ang 'yong Anak, nabuhay bilang Mesias at babalik sa wakas para mahayag sa lahat."


  • Anamnesis: Dito ginugunita ang paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesus.

  • Offering: Dito ang Santa Iglesya sa pangunguna ng pari, si Kristo na naroon sa Banal na Eukaristiya ay iaalay sa Ama.

  • Intercessions: Ipinamamalas natin dito na ang Eukaristiya ay pakikipagkaisa sa buong Simbahan maging dito man sa lupa o sa langit. Ipinagdarasal din natin ang ating Simbahan, ang Santo Papa, ang mga obispo, ang mga pari, ang sambayanan, at ang mga namayapa na.

  • Final Doxology: Ang huling panalangin ng pagpupuri sa Diyos ay ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsambit o pag-awit ng mga katagang, "Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Niya, at sa Kanya, ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan."


  • The Great Amen: Ang sambayanan ay tutugon sa pamamagitan ng pag-awit ng Amen. Sa pagbanggit natin ng Amen ay ating ipinahahayag ang pagsang-ayon sa mga sinabi at ipinagdiwang sa Eucharistic Prayer


  • The Lords Prayer: Sa pagbubuod ng Eucharistic Prayer tayo ay tatayo at ating dadasalin ang panalanging itinuro sa atin ng ating Panginoong Hesus, ang Ama Namin.


  • Sign of Peace: Bago tayo makinabang sa katawan at dugo ni Kristo tayo ay inaanyahan na magbigay ng kapayapaan sa kapwa.

  • Lamb of God: Aawitin ng samabayan ang panalanging Kordero ng Diyos bilang pag-alala na si Kristo ang Kordero ng Diyos na nag-alay ng kanyang katawan at dugo para iligtas ang sansinukob.

  • Breaking of the Bread: Habang inaawit ang Kordero ng Diyos, puputol ng kapiraso ang pari ng kapirasong ostiya upang ihalo sa dugo ni Kristo na nasa kalis. Ito ay sumisimbolo sa pagkakaisa ng katawan at dugo ni Kristo.

  • Holy Communion: Dito ay ipapakita sa sambayan ang Kordero ng Diyos na nasa anyong tinapay at babanggitin ng pari ang, "Narito ang Kordero, narito siyang nag-aalis ng ating mga kasalanan. Mapapalad ang inaanyayahan sa kanyang Banal na Piging."  At kasabay ng samabayanan ang pari ay tutugon ng, "Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako." At sisimulan na ang pagbibigay ng banal na Komunyon.


  • Prayer after Communion: Pagkatapos matanggap si Kristo ay dadasalin na ang pangwakas na panalangin na hihilingin niya sa Diyos na tayo nawa ay lubos na makinabang sa ating sakramentong natanggap.

  • Final Blessing: Ang pari ay babasbasan ang Sambayanan nang sa gayon sila ay humayo at isabuhay ang pag-ibig ni Kristo. At sa muli, hahalik ang pari sa altar at maglalakad palabas ng santwaryo habang inaawit ang isang angkop na himno. At pagkatapos nito, dito pa lang matatapos ang banal na misa.


    PRO DEO ET ECCLESIA!
    Catholic Faith Defenders- Cavite, Diocese of Imus, Our Lady of Solitude Parish, Kawit, Cavite

    Comments

    Popular posts from this blog

    ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA

    ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MISA (Unang Bahagi) — A guide— 1. ENTRANCE PROCESSION - Maglalakad patungong dambana ang pari at mga tagapaglingkod ng misa habang umaawit ng angkop na himno ang sambayanan. 2. GENUFLECTION AND VENERATION OF THE ALTAR - Luluhod ang mga tagapaglingkod ng misa at ang pari sa harap ng tabernakulo bilang pagbibigay galang kay Kristong naroon. Pagkatapos nito hahalik ang pari sa altar bilang pagbibigay galang sa lugar kung saan ginaganap ang Eukaristiya. 3. SIGN OF THE CROSS - Sisimulan ang Banal na Pagdiriwang sa pamamagitan ng pagtatanda ng Krus bilang pagbibigay galang sa ating Diyos na tatlong Persona sa iisang Diyos na siyang sentro ng pagdiriwang. 4. PENITENTIAL RITE - Sa parteng ito ng Banal na Misa aaminin natin ang ating mga pagkakasala. Dito rin napapatawad ang ating mga "venial sin." 5. GLORIA - Sa mga Linggo (at sa mga dakilang kapistahan), liban kung Kuwaresma at Adbiyento, ay inaawit natin ang Papuri sa Diyos. 6. OPENING PRAYER...

    BAKIT HINDI NAG-AASAWA ANG MGA PARI? | Ating Alamin

    Ang kaparian ng Simbahang Katolika ay hindi nag-aasawa. Bakit nga ba? Ating Alamin! 1. Bakit hindi nag-aasawa ang mga pari? Sapagkat ninais nila na maglingkod sa Diyos ng kanilang buong puso, buong pag-iisip at buong kaluluwa . Ayaw nilang mahati ang kanilang atensyon sa kanilang gawaing pastoral at sa tungkulin bilang may asawa. Ginusto nila na sa Diyos at sa sambayanan na lamang maglingkod bilang kanilang ama sa pananampalataya. Kung may asawa ang pari, halimbawa, may nangangailangan mangumpisal at pahiran ng Banal na Langis dahil malapit nang pumanaw, subalit kasabay nito kailangan namang isugod sa ospital ang asawa ng pari. Siya ang nag-iisang pari sa bario na iyon. Sino ang uunahin niya? Ang kanyang asawa ba o ang kanyang anak sa pananampalaya? Hindi ba't makokompromiso ang isa rito. Kaya naman ang mga pari ay walang asawa para makapagpokus sa pastoral na gawain ng isaandaang porsiyento. 2. Doktrina o dogma ba ang hindi pag-aasawa ng mga pari? Sapilitan din ba ito? Hin...