Skip to main content

PAGBASA NG EBANGHELYO | MAYO 29, 2020



PAGBASA NG EBANGHELYO | MAYO 29, 2020
Biyernes sa ika-pitong Linggo ng Muling Pagkabuhay

Prepare for the Ascension of Jesus with this novena --Aleteia

Pagkakain nila, tinanong ni Jesus si Simon Pedro, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?”
“Opo, Panginoon, alam ninyong mahal ko kayo,” tugon niya.
Sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon pakainin mo ang aking mga batang tupa.” Muli siyang tinanong ni Jesus, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?”
Sumagot si Pedro, “Opo, Panginoon, alam ninyong mahal ko kayo.” Sabi ni Jesus, “Alagaan mo ang aking mga tupa.”
Pangatlong ulit na tinanong siya ni Jesus, “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?”
Nalungkot si Pedro sapagkat tatlong beses siyang tinanong ng, “Mahal mo ba ako?”
At sumagot siya, “Panginoon, alam po ninyo ang lahat ng bagay; alam ninyong mahal ko kayo.”
Sinabi sa kanya ni Jesus, “Pakainin mo ang aking mga tupa. Pakatandaan mo: noong bata ka pa, ikaw ang nagbibihis sa iyong sarili at pumupunta ka kung saan mo gusto. Ngunit pagtanda mo, iuunat mo ang iyong mga kamay at iba ang magbibihis sa iyo at dadalhin ka kung saan hindi mo gusto.” Sinabi niya ito upang ipahiwatig kung paano mamamatay si Pedro at kung paano niya luluwalhatiin ang Diyos. Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Jesus, “Sumunod ka sa akin!”

Comments

Popular posts from this blog

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 25, 2020

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 25, 2020 Huwebes sa ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (Mateo 7:21-29) Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay san Mateo: “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit.   Sa Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, hindi po ba't sa iyong pangalan ay nangaral kami, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala?’   Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan.’” “Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato.   Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo iyon sa bato.   Ang bawat nakikinig ng aking salita ngunit hindi naman nagsasagawa ng mga ito...

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 24, 2020

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 24, 2020 Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San Juan Bautista (Lucas 1:57-66, 80) Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas: Dumating ang oras ng panganganak ni Elizabeth at nagsilang siya ng isang sanggol na lalaki.   Nang mabalitaan ng kanyang mga kapitbahay at mga kamag-anak na siya'y labis na pinagpala ng Panginoon, nakigalak sila sa kanya. Makalipas ang isang linggo, dumalo sila sa pagtutuli ng sanggol. Zacarias sana ang itatawag nila sa bata, gaya ng pangalan ng kanyang ama,   ngunit sinabi ni Elizabeth, “Hindi! Juan ang ipapangalan sa kanya.” “Subalit wala naman kayong kamag-anak na may ganyang pangalan,” tugon nila.   Sinenyasan nila ang kanyang ama upang itanong kung ano ang ibig nitong itawag sa sanggol. Humingi si Zacarias ng masusulatan at ganito ang kanyang isinulat, “Juan ang pangalan niya.” Namangha ang lahat.   Noon din ay nakapagsalita si Zacarias, at siya'y nagpuri sa Diyos.   Natakot ang ...

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA (Ikalawang Bahagi)

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA (Ikalawang Bahagi) ~A guide~ ***pagtutuloy*** Narito ang unang bahagi ng pagkakasunod-sunod ng Banal na Misa:  https://cfdcavite.blogspot.com/2020/05/ang-pagkakasunod-sunod-ng-banal-na-misa.html 11. OFFERTORY/PREPARATION OF THE GIFTS - Dito ginagawa ang pangongolekta ng mga alay habang umaawit ng angkop na himno ang sambayanan. Kadalasan ding iniaalay ang alak at ang tinapay na gagamitin sa Banal na Pagdiriwang. Matapos na maihandog lahat ng alay ay aayuisin naman ang altar para sa pagdiriwang. 12. WASHING OF THE HANDS - Kasunod naman ay ang paghuhugas ng kamay ng pari habang sinasambit ng mahina ang ganitiong panalangin:  "Wash me, O Lord, from my iniquity and cleanse me from my sin." ;  bilang pagpapayahag ng kanyang nais na maging isang banal at dalisay habang naghahanda para sa pag-aalay ng Banal na Eukaristiya. 13. PRAYER OVER THE GIFTS - Dito naman sasambitin ng pari ang panalangin ukol sa mga alay upang...