Skip to main content

BAKIT HINDI NAG-AASAWA ANG MGA PARI? | Ating Alamin



Ang kaparian ng Simbahang Katolika ay hindi nag-aasawa. Bakit nga ba? Ating Alamin!



1. Bakit hindi nag-aasawa ang mga pari?
Sapagkat ninais nila na maglingkod sa Diyos ng kanilang buong puso, buong pag-iisip at buong kaluluwa. Ayaw nilang mahati ang kanilang atensyon sa kanilang gawaing pastoral at sa tungkulin bilang may asawa. Ginusto nila na sa Diyos at sa sambayanan na lamang maglingkod bilang kanilang ama sa pananampalataya. Kung may asawa ang pari, halimbawa, may nangangailangan mangumpisal at pahiran ng Banal na Langis dahil malapit nang pumanaw, subalit kasabay nito kailangan namang isugod sa ospital ang asawa ng pari. Siya ang nag-iisang pari sa bario na iyon. Sino ang uunahin niya? Ang kanyang asawa ba o ang kanyang anak sa pananampalaya? Hindi ba't makokompromiso ang isa rito. Kaya naman ang mga pari ay walang asawa para makapagpokus sa pastoral na gawain ng isaandaang porsiyento.



2. Doktrina o dogma ba ang hindi pag-aasawa ng mga pari? Sapilitan din ba ito?
Hindi ito doktrina o dogma. Walang doktrina ang Katoliko na hindi pag-aasawa, isa lamang itong disiplina. Gayundin naman, hindi ito ipinipilit sa sinuman na hindi mag-asawa. Kaya lamang, ang pinipili ng Simbahan maging pari ay ang mga kalalakihan na boluntaryong tumanggi na hindi na mag-asawa. Sa Eastern rite, ang mga kasal na ay pwedeng magpari.



3. May mababasa ba sa bibliya tungkol sa hindi pag-aasawa?
Oo, at Panginoong Hesu-Kristo mismo ang nagsabi ng ganitong pananalita:
"Sapagkat may iba't-ibang dahilan kung bakit may mga lalaking hindi makapag-asawa: ang ilan ay isinilang na may ganitong kapansanan; ang iba nama'y dahil sa kagagawan ng ibang tao; mayroong namang hindi nag-aasawa alang-alang sa kaharian ng langit. Hayaang tanggapin ang aral na ito ng mgay kayayahang tumanggap niyo." (Mateo 19:12 MBB)

Panginoon na mismo ang nagwika na may ilang hindi nag-aasawa alang-alang sa kaharian ng langit. At sino ang tinutukoy doon?  Ang ating mga pari na isinakripisyo ang kanilang pag-aasawa alang-alang sa kaharian ng langit.

Maging si Apostol Pablo ay nanghihikayat ng hindi pag-aasawa. Kanyang winika:
"Nais ko kayong mailayo sa mga alalahanin sa buhay. Ang pinagkakaabalahan ng lalaking walang asawa ay ang mga gawaing ukol sa Panginoon- kung paano niya mabibigyan ng kaluguran ang Panginoon." (1 Corinto 7:32 MBB)

Katulad ng aking nabanggit sa itaas, kaya hindi nag-aasawa ang mga pari upang ang kanilang isipin na lang ay ang pagbibigay kaluguran sa Panginoon. Kung kaya naman ang hindi pag-aasawa ay may matibay na saligan sa banal na Kasulatan.



4. Mayroon na bang mga lingkod ng Panginoon na hindi nag-asawa?
Meron. Sa Lumang Tipan, si Propeta Jeremias ay hindi pinayagang mag-asawa ng Diyos (Jeremias 16:1-2). Ang kaibahan lamang ng hindi pag-aasawa ni Jeremias ay ipinag-utos ito ng Diyos samantalang ang sa kaparian ay kusang loob nilang ginawa.

Maging sa bagong tipan, si Jesus mismo ay hindi nag-asawa at maging si Apostol Pablo.

Comments

Popular posts from this blog

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MISA (Unang Bahagi) — A guide— 1. ENTRANCE PROCESSION - Maglalakad patungong dambana ang pari at mga tagapaglingkod ng misa habang umaawit ng angkop na himno ang sambayanan. 2. GENUFLECTION AND VENERATION OF THE ALTAR - Luluhod ang mga tagapaglingkod ng misa at ang pari sa harap ng tabernakulo bilang pagbibigay galang kay Kristong naroon. Pagkatapos nito hahalik ang pari sa altar bilang pagbibigay galang sa lugar kung saan ginaganap ang Eukaristiya. 3. SIGN OF THE CROSS - Sisimulan ang Banal na Pagdiriwang sa pamamagitan ng pagtatanda ng Krus bilang pagbibigay galang sa ating Diyos na tatlong Persona sa iisang Diyos na siyang sentro ng pagdiriwang. 4. PENITENTIAL RITE - Sa parteng ito ng Banal na Misa aaminin natin ang ating mga pagkakasala. Dito rin napapatawad ang ating mga "venial sin." 5. GLORIA - Sa mga Linggo (at sa mga dakilang kapistahan), liban kung Kuwaresma at Adbiyento, ay inaawit natin ang Papuri sa Diyos. 6. OPENING PRAYER...

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA (Ikalawang Bahagi)

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA (Ikalawang Bahagi) ~A guide~ ***pagtutuloy*** Narito ang unang bahagi ng pagkakasunod-sunod ng Banal na Misa:  https://cfdcavite.blogspot.com/2020/05/ang-pagkakasunod-sunod-ng-banal-na-misa.html 11. OFFERTORY/PREPARATION OF THE GIFTS - Dito ginagawa ang pangongolekta ng mga alay habang umaawit ng angkop na himno ang sambayanan. Kadalasan ding iniaalay ang alak at ang tinapay na gagamitin sa Banal na Pagdiriwang. Matapos na maihandog lahat ng alay ay aayuisin naman ang altar para sa pagdiriwang. 12. WASHING OF THE HANDS - Kasunod naman ay ang paghuhugas ng kamay ng pari habang sinasambit ng mahina ang ganitiong panalangin:  "Wash me, O Lord, from my iniquity and cleanse me from my sin." ;  bilang pagpapayahag ng kanyang nais na maging isang banal at dalisay habang naghahanda para sa pag-aalay ng Banal na Eukaristiya. 13. PRAYER OVER THE GIFTS - Dito naman sasambitin ng pari ang panalangin ukol sa mga alay upang...