PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 18, 2020
Huwebes sa ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon
(Mateo 6:7-15)
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
“Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi. Huwag ninyo silang tutularan. Alam na ng inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya. Ganito kayo mananalangin,
‘Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong kaharian.[a]
Masunod nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.
Bigyan mo kami ng aming pagkain sa araw-araw;[b]
at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama! [Sapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman! Amen.]’[c]

“Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang inyong kapwa, hindi rin patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Comments
Post a Comment