1. [Para saan itong mga rebulto ng mga Katoliko?] Ang mga sagradong imahen (rebulto kung tawagin ng iilan) ng mga Katoliko ay mga imahen na may kaugnayan kay Hesus. Halimbawa na lamang ay ang imahen ng Mahal na Birheng Maria, ito ay imahen na may kaugnayan kay Hesus sapagkat si Maria ay Kanyang ina. Ganundin naman ang mga imahen ng mga apostol, mga anghel at mga banal, lahat ng ito ay may kaugnayan sa ebanghelyo at sa ating Panginoong Hesus. (cf CCC par. 1161) https://1mpkoh2uj7ew36r28p3t8kxt11gl-wpengine.netdna-ssl.com/wp-content/uploads/2017/06/shutterstock_95274544-660x350.jpg 2. [Hindi ba ipinagbabawal ng Diyos sa biblia na gumawa ng mga imahen?] Totoong nagbawal ang Diyos ng imahen sa biblia noong panahon ni Moises. Pero hindi lahat ng imahen ay ipinagbawal niya. Ang ipinagbabawal niya ay ang imahen ng ibang dios (idolo/ idols ). Exodo 20:3-4 Ang Biblia, “ Huwag kang magk...
Ating Alamin website aims to propagate the truth and beauty of the Catholic Faith.