Skip to main content

REBULTO, IPINAGBABAWAL NGA BA NG DIOS? | Ating Alamin

1. [Para saan itong mga rebulto ng mga Katoliko?]

Ang mga sagradong imahen (rebulto kung tawagin ng iilan) ng mga Katoliko ay mga imahen na may kaugnayan kay Hesus. Halimbawa na lamang ay ang imahen ng Mahal na Birheng Maria, ito ay imahen na may kaugnayan kay Hesus sapagkat si Maria ay Kanyang ina. Ganundin naman ang mga imahen ng mga apostol, mga anghel at mga banal, lahat ng ito ay may kaugnayan sa ebanghelyo at sa ating Panginoong Hesus. (cf CCC par. 1161)
Related image
https://1mpkoh2uj7ew36r28p3t8kxt11gl-wpengine.netdna-ssl.com/wp-content/uploads/2017/06/shutterstock_95274544-660x350.jpg
2. [Hindi ba ipinagbabawal ng Diyos sa biblia na gumawa ng mga imahen?]

Totoong nagbawal ang Diyos ng imahen sa biblia noong panahon ni Moises. Pero hindi lahat ng imahen ay ipinagbawal niya. Ang ipinagbabawal niya ay ang imahen ng ibang dios (idolo/idols).
                Exodo 20:3-4 Ang Biblia,Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba ng lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa.

Pero ang imahen nating mga katoliko ay malinaw na hindi natin ginagawang ibang Dios maliban sa Dios na buhay at nag-iisa. Walang katuruan ang Sta. Iglesya na gawing idolo ang mga sagradong imahen.
Related image
https://forosdelavirgen.org/wp-content/uploads/2014/01/nazareno-negro-de-filipinas.jpg

3. [May mga pagkakataon bang nag-utos gumawa ng imahen ang Dios?]

Meron. Ito ay mababasa natin sa Exodo 25:18:
                Exodo 25:18 Ang Biblia,At gagawa ka ng dalawang querubin ginto; na yari sa pamukpok iyong gagawin, sa dalawang dulo ng luklukan ng awa.”
Meron pang isang pagkakataon na nag-utos gumawa ang Dios ng imahen kay Moises.
                
               Mga Bilang 21:9 Ang Biblia,At sinabi ng Panginoon kay Moises, Gumawa ka ng isang mabagsik na ahas at ipatong mo sa isang tikin: at mangyayari, na bawat taong makagat, ay mabubuhay pag tumingin doon.”


Kaya hindi masamang gumawa ng imahen basta’t hindi ito gagawing idolo o ibang dios. Sa katunayan, kung bawal ang lahat ng imahen bakit may rebulto si Dr. Rizal sa Luneta at si Felix Manalo sa Quezon City, na kapwa inaalayan ng bulaklak tuwing kaaarawan nila?
Image result for bronze snake bible
https://i0.wp.com/hookedonthebook.com/wp-content/uploads/2012/05/numbers-bronze20snake.jpg

3.[Sinasamba ng mga Katoliko sapagkat lumuluhod sila sa mga ito.]

Ang pagluhod ay ‘di agad nangangahulugang pagsamba. Kung gayon, bawal pala akong lumuhod sa aking kasintahan kapag ako’y magpo-propose sa kanya?
Sa biblia, may mga pagkakataong lumuhod sa harap ng kaban ng tipan subalit hindi sila sinaway ng Dios at sinabing bawal iyon.
                Josue 7:6 Ang Biblia,At hinapak ni Josue ang kanyang mga suot, at nagpatirapa sa lupa sa harap ng kaban ng Panginoon hanggang sa kinahapunan, siya at ang mga matatanda ng Israel; at silay nagsipagbuhos ng alabok sa kanilang ulo.”
Image result for joshua and the ark
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/c/c8/Tissot_Moses_and_Joshua_in_the_Tabernacle.jpg/280px-Tissot_Moses_and_Joshua_in_the_Tabernacle.jpg 

Kung matatandaan natin na nabanggit kanina na ang kaban ng Panginoon ay may dalawang imahen—imahen ng dalawang querubing ginto. Sina Josue at mga matatanda ng Israel ay lumuhod sa harap nito, pero hindi sila sinaway ng Dios sapagkat hindi naman nila ginawang idolo o ibang dios ang dalawang querubin sa halip sila’y naka-pokus  sa mismong Dios na nasa langit. Ganoon din ang ginagawa nating mga Katoliko. Kahit na tayo ay nakaharap sa larawan ang ating pokus ay nasa Dios na nasa langit. Ang nag-iisa at mapagmahal na Dios.

Comments

Popular posts from this blog

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MISA (Unang Bahagi) — A guide— 1. ENTRANCE PROCESSION - Maglalakad patungong dambana ang pari at mga tagapaglingkod ng misa habang umaawit ng angkop na himno ang sambayanan. 2. GENUFLECTION AND VENERATION OF THE ALTAR - Luluhod ang mga tagapaglingkod ng misa at ang pari sa harap ng tabernakulo bilang pagbibigay galang kay Kristong naroon. Pagkatapos nito hahalik ang pari sa altar bilang pagbibigay galang sa lugar kung saan ginaganap ang Eukaristiya. 3. SIGN OF THE CROSS - Sisimulan ang Banal na Pagdiriwang sa pamamagitan ng pagtatanda ng Krus bilang pagbibigay galang sa ating Diyos na tatlong Persona sa iisang Diyos na siyang sentro ng pagdiriwang. 4. PENITENTIAL RITE - Sa parteng ito ng Banal na Misa aaminin natin ang ating mga pagkakasala. Dito rin napapatawad ang ating mga "venial sin." 5. GLORIA - Sa mga Linggo (at sa mga dakilang kapistahan), liban kung Kuwaresma at Adbiyento, ay inaawit natin ang Papuri sa Diyos. 6. OPENING PRAYER...

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA (Ikalawang Bahagi)

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA (Ikalawang Bahagi) ~A guide~ ***pagtutuloy*** Narito ang unang bahagi ng pagkakasunod-sunod ng Banal na Misa:  https://cfdcavite.blogspot.com/2020/05/ang-pagkakasunod-sunod-ng-banal-na-misa.html 11. OFFERTORY/PREPARATION OF THE GIFTS - Dito ginagawa ang pangongolekta ng mga alay habang umaawit ng angkop na himno ang sambayanan. Kadalasan ding iniaalay ang alak at ang tinapay na gagamitin sa Banal na Pagdiriwang. Matapos na maihandog lahat ng alay ay aayuisin naman ang altar para sa pagdiriwang. 12. WASHING OF THE HANDS - Kasunod naman ay ang paghuhugas ng kamay ng pari habang sinasambit ng mahina ang ganitiong panalangin:  "Wash me, O Lord, from my iniquity and cleanse me from my sin." ;  bilang pagpapayahag ng kanyang nais na maging isang banal at dalisay habang naghahanda para sa pag-aalay ng Banal na Eukaristiya. 13. PRAYER OVER THE GIFTS - Dito naman sasambitin ng pari ang panalangin ukol sa mga alay upang...

BAKIT HINDI NAG-AASAWA ANG MGA PARI? | Ating Alamin

Ang kaparian ng Simbahang Katolika ay hindi nag-aasawa. Bakit nga ba? Ating Alamin! 1. Bakit hindi nag-aasawa ang mga pari? Sapagkat ninais nila na maglingkod sa Diyos ng kanilang buong puso, buong pag-iisip at buong kaluluwa . Ayaw nilang mahati ang kanilang atensyon sa kanilang gawaing pastoral at sa tungkulin bilang may asawa. Ginusto nila na sa Diyos at sa sambayanan na lamang maglingkod bilang kanilang ama sa pananampalataya. Kung may asawa ang pari, halimbawa, may nangangailangan mangumpisal at pahiran ng Banal na Langis dahil malapit nang pumanaw, subalit kasabay nito kailangan namang isugod sa ospital ang asawa ng pari. Siya ang nag-iisang pari sa bario na iyon. Sino ang uunahin niya? Ang kanyang asawa ba o ang kanyang anak sa pananampalaya? Hindi ba't makokompromiso ang isa rito. Kaya naman ang mga pari ay walang asawa para makapagpokus sa pastoral na gawain ng isaandaang porsiyento. 2. Doktrina o dogma ba ang hindi pag-aasawa ng mga pari? Sapilitan din ba ito? Hin...