PAGLILINAW SA MGA TALATANG GINAGAMIT LABAN SA PAGKA-DIYOS NI CRISTO
(Buong ingat na pagsusuri para sa katotohanan)
[1.] SI MARIA AY NATAGPUANG "NAGDADALANG-TAO" BAGO IKASAL KAY JOSE
TALATA: //Ganito ang pagkakapanganak kay Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria'y natagpuang NAGDADALANG-TAO.(Ito'y sa pamamagitan ng Espiritu Santo.)//[Mateo 1:18]
PALIWANAG: TOTOONG NAGDADALANG-TAO SI MARIA SAPAGKAT ANG ANAK NG DIYOS NA SA PASIMULA'Y ESPIRITU(WALANG LAMAN AT DUGO) AY MAGKAKATAWANG-TAO AT ISISILANG SA DAIGDIG. ITO ANG MISTERYO NG "INCARNATION" O PAGKAKATAWANG-TAO NG DIYOS.
Hebreo 2:14, "Yamang ang mga anak na tinutukoy niya ay tao, NAGING TAO rin si Jesus, tulad nila—may LAMAN at DUGO. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay maigupo niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan."
Roma 8:3, "Ginawa ng Diyos ang hindi nagawa ng Kautusan dahil sa likas na kahinaan ng tao. Sinugo niya ang kanyang sariling Anak sa ANYO NG TAONG MAKASALANAN, at sa anyong iyo'y hinatulan niya ang kasalanan."
Filipos 2:5-8, "Magpakababa kayo tulad ni Cristo Jesus: Kahit siya ay Diyos, hindi siya nagpumilit na manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip ay kusa niyang binitawan ang karapatan niyang ito, at namuhay na isang alipin. IPINANGANAK SIYANG TULAD NG ISANG KARANIWANG TAO, siya'y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan, oo, hanggang kamatayan sa krus."
SA MADALING SALITA, ANG ANAK NG DIYOS AY TOTOONG NAGING TAO KAYA TAMA LANG NA SABIHING NAGDALANG-TAO SI MARIA. NGUNIT MALING IGIIT NA TAO LANG SI CRISTO DAHIL MALINAW ANG SINASABI NG BIBLIYA NA SIYA'Y "NAGING TAO" AT TOTOONG DIYOS SIYA SA LIKAS NA KALAGAYAN.
Colosas 2:9, "Sapagkat ang BUONG KALIKASAN NG DIYOS ay na kay Cristo nang siya'y MAGING TAO..."
ITO ANG DAKILANG MISTERYO NG "INCARNATION" O PAGKAKATAWANG-TAO NG DIYOS. ANG ANAK NG DIYOS AY NAGING TOTOONG TAO NGUNIT HINDI NAWALA ANG KANYANG PAGKA-DIYOS. KAYA ITINUTURO NG SIMBAHANG KATOLIKA NA ANG PANGINOONG JESUS AY MAYROONG DALAWANG KALIKASAN. SIYA AY TOTOONG DIYOS AT TOTOONG TAO.
Comments
Post a Comment