Isa sa mga matagal nang doktrina o aral ng Simbahang Katolika ay ang tinatawag na "Extra Ecclesiam Nulla Salus" o sa wikang tagalog ay "walang kaligtasan sa labas ng Simbahan." Itong aral na ito ay ginaya ng ilang sekta ng relihiyon na itinatag ng tao katulad na lamang ng Iglesia Ni Cristo na itinayo ni G. Felix Y. Manalo noong taong 1914. Ang kanilang itinuturo ay kapag hindi ka kaanib sa loob ng Iglesia Ni Cristo ikaw ay hindi maliligtas-- ikaw ay mabubulid sa dagat-dagatang apoy pagdating ng araw ng paghuhukom. Ngunit para sa ating mga Katoliko ano nga ba ang katotohanan ukol sa doktrinang ito? Ating alamin!
Ayon sa Catechism of the Catholic Church:
Basing itself on Scripture and Tradition, the Council teaches that the Church, a pilgrim now on earth, is necessary for salvation: the one Christ is the mediator and the way of salvation; he is present to us in his body which is the Church. He himself explicitly asserted the necessity of faith and Baptism, and thereby affirmed at the same time the necessity of the Church which men enter through Baptism as through a door. Hence they could not be saved who, knowing that the Catholic Church was founded as necessary by God through Christ, would refuse either to enter it or to remain in it.1
Ipinababatid sa atin ng ating katesismo na ang Simbahan dito sa lupa ay kailangan para sa ating kaligtasan sapagkat si Kristo na ulo ng Simbahan ay kasama ng Simbahan bilang kanyang katawan.2 Si Kristo ang pinagmumulan ng kaligtasan na kanya namang ipinaabot sa atin sa pamamagitan ng kanyang Simbahan. Si Kristo na rin mismo ang nagsabi na kailangan nating mabautismuhan o mabinyagan upang tayo ay maligtas.3 Gayundin naman, sa pamamagitan ng binyag tayo ay magiging kaanib ng Simbahang kanyang itinatag— ang simbahang Katolika. Kung kaya naman, kung sino man ang nakakaalam na ang Simbahang Katolika ay ang Simbahang itinayo ni Kristo dahil ito ay kailangan para sa kaligtasan at nanatili sa labas o nanatiling hindi kaanib nito ay maaaring hindi maliligtas.
Datapwat mayroong exempted sa doktrinang ito. Ito ay ang kamangmangang hindi madaraig (invincible ignorance). Katulad ng sinasabi sa ating katesismo:
Those who, through no fault of their own, do not know the Gospel of Christ and His Church, but who nevertheless seek God with a sincere heart, and, moved by grace, try in their actions to do his will as they know it through the dictates of their conscience- those too may achieve eternal salvation.4
Those who, through no fault of their own, do not know the Gospel of Christ and His Church, but who nevertheless seek God with a sincere heart, and, moved by grace, try in their actions to do his will as they know it through the dictates of their conscience- those too may achieve eternal salvation.4
Binibigyang linaw ng ating katesismo na exempted sa doktrinang ito 'yung mga taong hindi nila giinusto na hindi nila mabatid ang katotohanan tungkol kay Kristo o maging sa kanyang simbahan man. Ano ang halimbawa nito? Halimbawa na lamang nito ay ang mga indigenous people na nakatira sa kabundukan o sa mga isla na hindi naaabot ng ating mga misyonerong pari o mga relihiyoso. Wala silang pagkakataon upang makilala ang Diyos at ang katotohanan ukol sa Simbahan. Subalit kung namumuhay sila ayon sa kabanalan at ginagawa nila ang tama sa pamamagitan ng kanilang konsensiya, will a just and merciful God condemn them? Ang Diyos natin ay Diyos na maawin. Hindi naman nila ginusto na hindi makilala si Kristo kaya wala silang kasalanan at maaari pa rin silang maligtas. Pero kung ikaw naman ay may pagkakataon upang makilala si Kristo at ang kanyang simbahan ngunit mas pinili mo pa rin na huwag siyang kilalanin at tanggapin ang kanyang simbahan ay hindi ito isang valid reason at maaaring hindi ka maligtas sapagkat wala ka sa tunay na katawan ni Kristo na Kanyang binili sa pamamagitan ng Kanyang sariling dugo (Gawa 20:28). Gayundin naman kung ikaw ay may kaalaman na tungkol sa Simbahan at mas pinili mo pa ring lumabas sa Simbahan hindi rin ito isang makatarungang rason.
Gayundin naman, ang Simbahan ay may tungkulin at karapatan upang ipahayag ang Mabuting Balita ni Kristo sa lahat ng tao.5
1 Catechism of the Catholic Church, para. 846↩
2 Colosas 1:18↩
3 Juan :3,5; Mateo 28:18↩
4 Catechism of the Catholic Church, para. 847↩
5 Ibid., para. 848↩
Amen
ReplyDelete