Marami sa ating mga kapatid, maging galing sa ibang relihiyon o maging kapwa natin Katoliko ay nagtatanong kung ano ang purgatoryo at may itinuturo ba ang biblia tungkol sa purgatoryo? Ating alamin!
1. [Ano ang purgatoryo?]
Ang purgatoryo ay hango sa salitang latin na “purgare” na ang ibig sabihin ay “to purify” o linisin. Isa itong estado o lugar (state or place) na kung saan ang mga namatay na wala sa estado ng grasya o yung mga pumanaw na may “venial sin” o kasalanang maliit (tinatawag ding kasalanang hindi nakamamatay) ay papasok sa estadong ito ng paglilinis. Subalit kung tayo ay pumanaw sa estado ng grasya (state of grace) tayo ay diretso sa kaharian ng Diyos sa Langit.

2. [Bakit pumupunta ang kaluluwa sa purgatoryo?]
Sapagkat sinabi sa Revelation 21:27: “nothing unclean will enter it”.
Walang maruming makapapasok sa langit. Paano kung mamatay tayong may kasalanan (venial sin) dahil sabi sa Roma 3:10 “walang matuwid, wala kahit isa.” Didiretso na ba agad tayo sa impyerno? Hindi dahil ang Diyos ay Diyos na maawain. He is a just and merciful God. Kaya mayroon tayong purgatoryo.

3. [Saan sa bibliya itunuro ang Doktrina ng Purgatoryo?]
Ang doktrina ng purgatoryo ay itunuturo sa atin ng banal na kasulatan:
Ang doktrina ng purgatoryo ay itunuturo sa atin ng banal na kasulatan:
1Pedro 3:19: “Na iyan din kanyang iniyaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan.”
Si Kristo ay yumaon sa kinaroroonan ng mga espiritung bilanggo. Nasaan ang mga nakabilanggong espiritu? Wala ito sa langit, sapagkat ang langit ay hindi bilangguan. Isa itong paraiso. Hindi rin maaaring nasa impyerno ito sapagkat walang kabuluhan ang pangangaral doon ni Kristo sapagkat wala nang kaligtasan ang mga nasa impyerno. Kaya ang estadong ito ng mga kaluluwang bilanggo ay pinangalanan ng Simbahan na “Purgatoryo.”
1 Corinto 3:15 may sinasabi si Apostol Pablo na apoy na nakakapagligtas.
“If any man’s work shall be burned, he shall suffer loss: but he himself shall be saved; yet so as by fire.”
Nasaaan kaya itong apoy na ito? Hindi nga puwedeng sa impyerno sapagkat kung ang apoy pala doon ay nakakapagligtas, ibig sabihin mauubusan ng tao ang impyerno pagdating ng panahon kasi lahat ay maliligtas subalit hindi. Hindi rin puwedeng sa langit sapagkat ang mga naandon ay hindi na kailangan pa ng pagliligtas sapagkat ang mga nasa langit ay may buhay na walang hanggan na. Ibig sabihin may isa pang estado na naglilinis ng ating mga kasalanan. At ito ay pinangalanan ng Simbahan na Purgatoryo.
San Nicolas de Tolentino, patron ng mga kaluluwa sa Purgatoryo, ipanalangin mo sila.
------------------------------
Huwag mahihiyang magtanong!
------------------------------
Huwag mahihiyang magtanong!

Comments
Post a Comment