Skip to main content

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 14, 2020



PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 14, 2020
Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ni Kristo



51 Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay na bumabâ mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. At ang tinapay na ibibigay ko upang mabuhay ang sanlibutan ay ang aking laman.”
52 Dahil dito'y nagtalu-talo ang mga Judio, “Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang makain natin?”
53 Sinabi ni Jesus, “Pakatandaan ninyo: malibang kainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. 54 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. 55 Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. 56 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako naman sa kanya. 57 Isinugo ako ng buháy na Ama at ako'y nabubuhay dahil sa kanya. Gayundin naman, ang sinumang kumakain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. 58 Ito ang tinapay na bumabâ mula sa langit. Hindi ito katulad ng kinain ng inyong mga ninuno sa ilang; namatay sila kahit na kumain niyon. Ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman.”

Comments

Popular posts from this blog

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MISA (Unang Bahagi) — A guide— 1. ENTRANCE PROCESSION - Maglalakad patungong dambana ang pari at mga tagapaglingkod ng misa habang umaawit ng angkop na himno ang sambayanan. 2. GENUFLECTION AND VENERATION OF THE ALTAR - Luluhod ang mga tagapaglingkod ng misa at ang pari sa harap ng tabernakulo bilang pagbibigay galang kay Kristong naroon. Pagkatapos nito hahalik ang pari sa altar bilang pagbibigay galang sa lugar kung saan ginaganap ang Eukaristiya. 3. SIGN OF THE CROSS - Sisimulan ang Banal na Pagdiriwang sa pamamagitan ng pagtatanda ng Krus bilang pagbibigay galang sa ating Diyos na tatlong Persona sa iisang Diyos na siyang sentro ng pagdiriwang. 4. PENITENTIAL RITE - Sa parteng ito ng Banal na Misa aaminin natin ang ating mga pagkakasala. Dito rin napapatawad ang ating mga "venial sin." 5. GLORIA - Sa mga Linggo (at sa mga dakilang kapistahan), liban kung Kuwaresma at Adbiyento, ay inaawit natin ang Papuri sa Diyos. 6. OPENING PRAYER...

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA (Ikalawang Bahagi)

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA (Ikalawang Bahagi) ~A guide~ ***pagtutuloy*** Narito ang unang bahagi ng pagkakasunod-sunod ng Banal na Misa:  https://cfdcavite.blogspot.com/2020/05/ang-pagkakasunod-sunod-ng-banal-na-misa.html 11. OFFERTORY/PREPARATION OF THE GIFTS - Dito ginagawa ang pangongolekta ng mga alay habang umaawit ng angkop na himno ang sambayanan. Kadalasan ding iniaalay ang alak at ang tinapay na gagamitin sa Banal na Pagdiriwang. Matapos na maihandog lahat ng alay ay aayuisin naman ang altar para sa pagdiriwang. 12. WASHING OF THE HANDS - Kasunod naman ay ang paghuhugas ng kamay ng pari habang sinasambit ng mahina ang ganitiong panalangin:  "Wash me, O Lord, from my iniquity and cleanse me from my sin." ;  bilang pagpapayahag ng kanyang nais na maging isang banal at dalisay habang naghahanda para sa pag-aalay ng Banal na Eukaristiya. 13. PRAYER OVER THE GIFTS - Dito naman sasambitin ng pari ang panalangin ukol sa mga alay upang...

BAKIT HINDI NAG-AASAWA ANG MGA PARI? | Ating Alamin

Ang kaparian ng Simbahang Katolika ay hindi nag-aasawa. Bakit nga ba? Ating Alamin! 1. Bakit hindi nag-aasawa ang mga pari? Sapagkat ninais nila na maglingkod sa Diyos ng kanilang buong puso, buong pag-iisip at buong kaluluwa . Ayaw nilang mahati ang kanilang atensyon sa kanilang gawaing pastoral at sa tungkulin bilang may asawa. Ginusto nila na sa Diyos at sa sambayanan na lamang maglingkod bilang kanilang ama sa pananampalataya. Kung may asawa ang pari, halimbawa, may nangangailangan mangumpisal at pahiran ng Banal na Langis dahil malapit nang pumanaw, subalit kasabay nito kailangan namang isugod sa ospital ang asawa ng pari. Siya ang nag-iisang pari sa bario na iyon. Sino ang uunahin niya? Ang kanyang asawa ba o ang kanyang anak sa pananampalaya? Hindi ba't makokompromiso ang isa rito. Kaya naman ang mga pari ay walang asawa para makapagpokus sa pastoral na gawain ng isaandaang porsiyento. 2. Doktrina o dogma ba ang hindi pag-aasawa ng mga pari? Sapilitan din ba ito? Hin...