Skip to main content

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 17, 2020



PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 17, 2020
Miyerkules sa ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon
(Mateo 6:1-6,16-18)



Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

“Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao ang pagtupad ninyo sa inyong mga tungkulin sa Diyos. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Ama na nasa langit. “Kaya nga, kapag nagbibigay ka ng limos, huwag mo nang ipag-ingay pa gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa mga sinagoga at sa mga lansangan upang sila'y purihin ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, kapag nagbibigay ka ng limos, huwag mo nang ipaalam ito maging sa matalik mong kaibigan. Gawin mong lihim ang iyong pagbibigay ng limos at ang iyong Ama na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo.”
“Kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagkunwari. Mahilig silang manalanging nakatayo sa mga sinagoga at sa mga kanto upang makita ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala. “Kapag kayo'y nag-aayuno, huwag kayong magmukhang malungkot tulad ng mga mapagkunwari. Hindi sila nag-aayos ng sarili upang mapansin ng mga tao na sila'y nag-aayuno. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, kapag nag-aayuno ka, maghilamos ka, lagyan mo ng langis at ayusin mo ang iyong buhok upang huwag mapansin ng mga tao na ikaw ay nag-aayuno. Ang iyong Ama na hindi mo nakikita ang tanging makakaalam nito. Siya, na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim, ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Comments

Popular posts from this blog

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MISA (Unang Bahagi) — A guide— 1. ENTRANCE PROCESSION - Maglalakad patungong dambana ang pari at mga tagapaglingkod ng misa habang umaawit ng angkop na himno ang sambayanan. 2. GENUFLECTION AND VENERATION OF THE ALTAR - Luluhod ang mga tagapaglingkod ng misa at ang pari sa harap ng tabernakulo bilang pagbibigay galang kay Kristong naroon. Pagkatapos nito hahalik ang pari sa altar bilang pagbibigay galang sa lugar kung saan ginaganap ang Eukaristiya. 3. SIGN OF THE CROSS - Sisimulan ang Banal na Pagdiriwang sa pamamagitan ng pagtatanda ng Krus bilang pagbibigay galang sa ating Diyos na tatlong Persona sa iisang Diyos na siyang sentro ng pagdiriwang. 4. PENITENTIAL RITE - Sa parteng ito ng Banal na Misa aaminin natin ang ating mga pagkakasala. Dito rin napapatawad ang ating mga "venial sin." 5. GLORIA - Sa mga Linggo (at sa mga dakilang kapistahan), liban kung Kuwaresma at Adbiyento, ay inaawit natin ang Papuri sa Diyos. 6. OPENING PRAYER...

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA (Ikalawang Bahagi)

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA (Ikalawang Bahagi) ~A guide~ ***pagtutuloy*** Narito ang unang bahagi ng pagkakasunod-sunod ng Banal na Misa:  https://cfdcavite.blogspot.com/2020/05/ang-pagkakasunod-sunod-ng-banal-na-misa.html 11. OFFERTORY/PREPARATION OF THE GIFTS - Dito ginagawa ang pangongolekta ng mga alay habang umaawit ng angkop na himno ang sambayanan. Kadalasan ding iniaalay ang alak at ang tinapay na gagamitin sa Banal na Pagdiriwang. Matapos na maihandog lahat ng alay ay aayuisin naman ang altar para sa pagdiriwang. 12. WASHING OF THE HANDS - Kasunod naman ay ang paghuhugas ng kamay ng pari habang sinasambit ng mahina ang ganitiong panalangin:  "Wash me, O Lord, from my iniquity and cleanse me from my sin." ;  bilang pagpapayahag ng kanyang nais na maging isang banal at dalisay habang naghahanda para sa pag-aalay ng Banal na Eukaristiya. 13. PRAYER OVER THE GIFTS - Dito naman sasambitin ng pari ang panalangin ukol sa mga alay upang...

BAKIT HINDI NAG-AASAWA ANG MGA PARI? | Ating Alamin

Ang kaparian ng Simbahang Katolika ay hindi nag-aasawa. Bakit nga ba? Ating Alamin! 1. Bakit hindi nag-aasawa ang mga pari? Sapagkat ninais nila na maglingkod sa Diyos ng kanilang buong puso, buong pag-iisip at buong kaluluwa . Ayaw nilang mahati ang kanilang atensyon sa kanilang gawaing pastoral at sa tungkulin bilang may asawa. Ginusto nila na sa Diyos at sa sambayanan na lamang maglingkod bilang kanilang ama sa pananampalataya. Kung may asawa ang pari, halimbawa, may nangangailangan mangumpisal at pahiran ng Banal na Langis dahil malapit nang pumanaw, subalit kasabay nito kailangan namang isugod sa ospital ang asawa ng pari. Siya ang nag-iisang pari sa bario na iyon. Sino ang uunahin niya? Ang kanyang asawa ba o ang kanyang anak sa pananampalaya? Hindi ba't makokompromiso ang isa rito. Kaya naman ang mga pari ay walang asawa para makapagpokus sa pastoral na gawain ng isaandaang porsiyento. 2. Doktrina o dogma ba ang hindi pag-aasawa ng mga pari? Sapilitan din ba ito? Hin...