Marami sa atin ang nagtatanong, saan napupunta ang ating hinuhulog tuwing alay, ang ating mga donasyon sa pamisa, ang donasyon natin tuwing magpapabinyag, magpapakasal o magpapalibing? Kinukurakot nga ba ito ng Simbahan?
Maraming pinupuntahan ang ating mga donasyon sa simbahan. Hindi naman natin maitatanggi na ang Simbahang Katolika ay ang largest charitable institution dito sa daigdig.
Una na sa pinupuntahan ng mga donasyon natin ay sa mga pangunahing gastusin sa simbahan. Kapag tayo ay nagsisimba, bukas ang mga ilaw upang maging maayos ang ating gagawing pagpupuri sa Diyos. Gayundin, bukas ang mga electric fan (sa ibang parokya ay airconditioner) upang hindi tayo mainitan sa pagsisimba. Minsan gusto mo pa nga umupo sa harap ng electric fan. Napupunta ang ating donasyon sa pagbabayad ng kuryente ng parokya. Hindi po sila exempted sa pagbabayad sa Meralco. Kung hindi dahil sa donasyon natin walang kuryente ang ating mga simbahan.
Ikalawa, pumupunta rin ang ating mga donasyon sa pagkain at mga pangangailangan ng mga naglilingkod sa parokya at sa ating pari. Hindi magiging maayos ang ating simbahan kung walang nagwawalis at nagpapanatili ng kalinisan nito matapos nating magkalat sa loob ng Simbahan. Ang mga manggagawa sa Simbahan ay mga tao at siyempre kumakain din sila. Hindi naman po libre ang bigas kapag ikaw ay manggawa sa simbahan o ikaw ay pari. Kaya daahil sa ating donasyon nakakain sila.
Pangatlo, ang mga simbahan po natin ay may mga scholars na pinapaaral sa iba't-ibang paaralan. Katulad na lamang sa Parokya ng San Gregorio Magno sa Indang, Cavite, sila ay may tinatawag na Skolar ni Tata Gorio. Sila ay mga mag-aaral na pinapaaral ng simbahan. Kung ikaw ay nagdodonasyon sa simbahan, nakakapag-paaral ka ng mga batang kapos sa buhay.

Ikaapat, ang mga simbahan natin ay may mga charity programs na tumutulong sa mga mahihirap. Katulad na lamang ng feeding programs, libreng pamimigay ng school supplies bago magpasukan, at marami pang katulad nito.
Ikalima, kung hindi ka naman nagdodonasyon sa simbahan ay okay lang naman. Hindi naman sapilitan ang pagdodonasyon kaya wag tayong magreklamo dahil di naman sapilitan ang pagdodonasyon.
Comments
Post a Comment