Minsan ka na bang nakatikim ng malambot, matamis, at masarap na tinapay na kung tawagin ay pianono? Alam mo ba na ito ay ipinangalan sa isang Italyanong Santo Papa ng mga Katoliko? Narito ang kwento:
Ayon sa ilang kwento, matapos ideklara ang dogma ng La Inmaculada Concepcion ni Santo Papa Pio IX, gumawa ang isang baker ng isang masarap na tinapay ayon sa gustong lasa ng Santo Papa bilang paggalang dito. Kaya ang pangalan ng tinapay na ito ay isinunod sa pangalan ng noo'y Santo Papa Pio IX na kilala sa tawag na Pio Nono (nangangahulugang Pio ika-siyam).
Ang orihinal na gumawa ng pionono ay si Ceferino Ysla Gonzales mula sa Espanya na isang deboto ng Mahal na Birheng Maria. Very Catholic pala itong tinapay na pianono.
Sa ating basang Pilipinas, ang tawag natin ay pianono.
Masarap ang pianono at makulay ang kanyang kasaysayan. Amazing, 'di ba?
source: https://www.kawalingpinoy.com/pianono/#:~:text=Pianono%20or%20Pionono%20is%20a,him%2C%20where%20the%20pope%20hailed.


Comments
Post a Comment