Skip to main content

Posts

Showing posts from June, 2020

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 25, 2020

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 25, 2020 Huwebes sa ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (Mateo 7:21-29) Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay san Mateo: “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit.   Sa Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, hindi po ba't sa iyong pangalan ay nangaral kami, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala?’   Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan.’” “Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato.   Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo iyon sa bato.   Ang bawat nakikinig ng aking salita ngunit hindi naman nagsasagawa ng mga ito...

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 24, 2020

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 24, 2020 Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San Juan Bautista (Lucas 1:57-66, 80) Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas: Dumating ang oras ng panganganak ni Elizabeth at nagsilang siya ng isang sanggol na lalaki.   Nang mabalitaan ng kanyang mga kapitbahay at mga kamag-anak na siya'y labis na pinagpala ng Panginoon, nakigalak sila sa kanya. Makalipas ang isang linggo, dumalo sila sa pagtutuli ng sanggol. Zacarias sana ang itatawag nila sa bata, gaya ng pangalan ng kanyang ama,   ngunit sinabi ni Elizabeth, “Hindi! Juan ang ipapangalan sa kanya.” “Subalit wala naman kayong kamag-anak na may ganyang pangalan,” tugon nila.   Sinenyasan nila ang kanyang ama upang itanong kung ano ang ibig nitong itawag sa sanggol. Humingi si Zacarias ng masusulatan at ganito ang kanyang isinulat, “Juan ang pangalan niya.” Namangha ang lahat.   Noon din ay nakapagsalita si Zacarias, at siya'y nagpuri sa Diyos.   Natakot ang ...

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 23, 2020

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 23, 2020 Martes sa ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (Mateo 7:6, 12-14) Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo: “Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang banal na bagay, baka pagkatapos ay kayo pa ang balingan at sakmalin nila. Huwag ninyong ihagis sa baboy ang inyong mga perlas sapagkat yuyurakan lamang nila ang mga iyon.” “Gawin   ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.” “Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami.   Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang papunta sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 22, 2020

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 22, 2020 Lunes sa ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (Mateo 7:1-5) Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo:   “Huwag kayong humatol, nang kayo'y di hatulan.   Sapagkat  hahatulan kayo ng Diyos ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa panukat na ginagamit ninyo sa iba.   Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang trosong nasa iyong mata?   Paano mong masasabi sa iyong kapatid, ‘Halika't aalisin ko ang puwing mo,’ gayong troso ang nasa mata mo?   Mapagkunwari! Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makakakita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid. Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 21, 2020

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 21, 2020 Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (Mateo 10:26-33) Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo: “Kaya  huwag kayong matakot sa kanila. Walang natatago na di malalantad at walang nalilihim na di mabubunyag.   Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim ay ulitin ninyo sa liwanag; at ang ibinubulong sa inyo ay inyong ipagsigawan sa lansangan.   Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang Diyos na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno.   Hindi ba't ipinagbibili sa halaga ng isang salaping tanso ang dalawang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama.   At kayo, maging ang buhok ninyo'y bilang niyang lahat.   Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.” “Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa...

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 19, 2020

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 19, 2020 Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus (Mateo 11:25-30) Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo: Nang panahong iyo'y sinabi ni Jesus, “Ama, Panginoon ng langit at lupa, salamat sa iyo, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino, at inihayag mo naman sa mga may kaloobang tulad ng sa bata.   Oo, Ama, sapagkat ganoon ang nais mo. “Ibinigay  na sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang mga pinili ng Anak na pagpahayagan niya. “Lumapit  kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.   Pasanin  ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako'y maamo at may mababang loob. Makakatagpo kayo sa akin ng kapahingahan   sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibibiga...

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 18, 2020

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 18, 2020 Huwebes sa ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon (Mateo 6:7-15) Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo “Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi.   Huwag ninyo silang tutularan. Alam na ng inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya.   Ganito kayo mananalangin, ‘Ama naming nasa langit,      sambahin nawa ang iyong pangalan.        Dumating nawa ang iyong kaharian. [ a ]      Masunod nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.      Bigyan mo kami ng aming pagkain sa araw-araw; [ b ]        at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.    ...

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 17, 2020

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 17, 2020 Miyerkules sa ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon (Mateo 6:1-6,16-18) Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo “Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao ang pagtupad ninyo sa inyong mga tungkulin sa Diyos. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Ama na nasa langit.   “Kaya nga, kapag nagbibigay ka ng limos, huwag mo nang ipag-ingay pa gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa mga sinagoga at sa mga lansangan upang sila'y purihin ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.   Sa halip, kapag nagbibigay ka ng limos, huwag mo nang ipaalam ito maging sa matalik mong kaibigan.   Gawin mong lihim ang iyong pagbibigay ng limos at ang iyong Ama na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo.” “Kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagkunwari. Mahilig silang manalanging nakatayo sa mga sinago...

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 16, 2020

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 16, 2020 Martes sa ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (Mateo 5:43-48) Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo “Narinig  ninyong sinabi, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa at kamuhian mo ang iyong kaaway.’   Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo,   upang  kayo'y maging tunay na mga anak ng inyong Ama na nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa mabubuti gayon din sa masasama, at nagpapaulan siya sa mga matuwid at sa mga di-matuwid. “Kung ang mga nagmamahal sa inyo ang siya lamang ninyong mamahalin, anong gantimpala ang inyong maaasahan? Hindi ba't ginagawa rin iyan ng mga maniningil ng buwis?   At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong binabati, ano ang ginagawa ninyong higit kaysa iba? Hindi ba't ginagawa rin iyan ng mga Hentil?   Kaya  maging ganap kayo, gaya ng inyong Ama na nasa langit.” Ang mabuting balita ng Pang...

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 15, 2020

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 15, 2020 Lunes sa ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon Katuruan Laban sa Paghihiganti 38  “Narinig ninyong sinabi, ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin.’   39  Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong gumanti sa masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa.   40  Kung isakdal ka ninuman upang makuha ang iyong damit, ibigay mo ito sa kanya pati ang iyong balabal.   41  Kung pilitin ka ng isang kawal na pasanin ang kanyang dala ng isang milya, [ a ]  pasanin mo iyon ng dalawang milya.   42  Bigyan mo ang nanghihingi sa iyo at huwag mong tanggihan ang nanghihiram sa iyo.”

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 14, 2020

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 14, 2020 Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ni Kristo 51  Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay na bumabâ mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. At ang tinapay na ibibigay ko upang mabuhay ang sanlibutan ay ang aking laman.” 52  Dahil dito'y nagtalu-talo ang mga Judio, “Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang makain natin?” 53  Sinabi ni Jesus, “Pakatandaan ninyo: malibang kainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay.   54  Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw.   55  Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin.   56  Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako naman sa kanya.   57  Isinugo ako n...

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 13, 2020

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 13, 2020 Kapistahan ni San Antonio ng Padua, Pari at Doktor ng Simbahan Katuruan tungkol sa Panunumpa 33  “Narinig  din ninyong sinabi sa inyong mga ninuno, ‘Huwag kang susumpa nang walang katotohanan; sa halip, tuparin mo ang iyong sinumpaang panata sa Panginoon.’   34  Ngunit  sinasabi ko sa inyo, huwag kayong manunumpa kapag kayo'y nangangako. Huwag ninyong sasabihing, ‘Saksi ko ang langit,’ sapagkat ito'y trono ng Diyos;   35  o  kaya'y, ‘Saksi ko ang lupa,’ sapagkat ito'y kanyang tuntungan. Huwag din ninyong sasabihing, ‘Saksi ko ang Jerusalem,’ sapagkat ito'y lungsod ng dakilang Hari.   36  Huwag mo ring ipanumpa ang iyong ulo, sapagkat ni isang buhok sa iyong ulo ay hindi mo kayang paputiin o paitimin.   37  Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo at ‘Hindi’ kung hindi, sapagkat ang anumang sumpang idaragdag dito ay buhat na sa Masama.”

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 12, 2020

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 12, 2020 Biyernes sa ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon Ang Katuruan Laban sa Pangangalunya 27  “Narinig  ninyong sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya.’   28  Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso.   29  Kung  ang kanang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno.   30  Kung  ang iyong kanang kamay naman ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ang itapon sa impiyerno.”  31  “Sinabi  rin naman, ‘Kapag makikipaghiwalay ang isang lalaki sa kanyang asawa, ito'y dapat niyang bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay.’   32  Ngunit  sinasabi ko sa i...

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 11, 2020

PAGBASA NG EBANGHELO | HUNYO 11, 2020 Kapistahan ni San Bernabe, Apostol at Martyr 7  Humayo kayo't ipangaral na malapit nang dumating ang kaharian ng langit.   8  Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin at linisin ninyo ang mga may ketong, at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad.   9  Huwag kayong magdala ng pera, maging ginto, pilak, o tanso.   10  Sa inyong paglalakbay, huwag din kayong magbaon ng pagkain, bihisan, pampalit na sandalyas, o tungkod, sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat na tumanggap ng mga bagay na kanyang ikabubuhay. 11  “Saanmang bayan o nayon kayo dumating, humanap kayo ng taong karapat-dapat pakituluyan at kayo ay tumuloy sa bahay niya habang kayo'y nasa lugar na iyon.   12  Pagpasok ninyo sa bahay, sabihin ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’   13  Kung karapat-dapat ang...

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 10, 2020

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 10, 2020 Miyerkoles sa ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon Huwag ninyong akalaing naparito ako upang ipawalang-bisa ang Kautusan at ang mga Propeta. Naparito ako hindi upang ipawalang-bisa ang mga iyon kundi upang tuparin. Tandaan ninyo: maglalaho ang langit at ang lupa, ngunit ni isang tuldok o kudlit man ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga't hindi natutupad ang lahat. Kaya't sinumang magpawalang-bisa sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay magiging pinakamababa sa kaharian ng langit. Ngunit ang sumusunod sa Kautusan at nagtuturo sa mga tao na tuparin iyon ay magiging dakila sa kaharian ng langit.

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 09, 2020

PAGBASA NG EBANGHELYO | HUNYO 09, 2020 Martes sa ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon 13  “Kayo ang asin ng sangkatauhan. Ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? Hindi ba wala na itong kabuluhan kundi ang itapon at tapakan ng mga tao? 14  “Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago.   15  Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng banga. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay.   16  Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA (Ikalawang Bahagi)

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA (Ikalawang Bahagi) ~A guide~ ***pagtutuloy*** Narito ang unang bahagi ng pagkakasunod-sunod ng Banal na Misa:  https://cfdcavite.blogspot.com/2020/05/ang-pagkakasunod-sunod-ng-banal-na-misa.html 11. OFFERTORY/PREPARATION OF THE GIFTS - Dito ginagawa ang pangongolekta ng mga alay habang umaawit ng angkop na himno ang sambayanan. Kadalasan ding iniaalay ang alak at ang tinapay na gagamitin sa Banal na Pagdiriwang. Matapos na maihandog lahat ng alay ay aayuisin naman ang altar para sa pagdiriwang. 12. WASHING OF THE HANDS - Kasunod naman ay ang paghuhugas ng kamay ng pari habang sinasambit ng mahina ang ganitiong panalangin:  "Wash me, O Lord, from my iniquity and cleanse me from my sin." ;  bilang pagpapayahag ng kanyang nais na maging isang banal at dalisay habang naghahanda para sa pag-aalay ng Banal na Eukaristiya. 13. PRAYER OVER THE GIFTS - Dito naman sasambitin ng pari ang panalangin ukol sa mga alay upang...